Nuno sa Punso
Ayon sa mga matatanda, ang mga duwende ay maliliit na nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. Sila ay naninirahan sa mga liblib na lugar tulad ng gubat, punso, o mga lumang bahay sa probinsya. May mga pagkakataon na nagpapakita sila sa mga taong kanilang nagugustuhan, at kung minsan ay nakikipaglaro pa. Mayroon silang mga sariling kaharian na puno ng ginto at mga koleksyon ng iba’t ibang bagay. Sinasabi rin na kapag may nawawalang bagay sa bahay, maaaring kinuha ito ng duwende.
May iba’t ibang uri at ugali ang duwende. May mga mapaglaro at tuso, may mga mabait, at may mga masama. Ang mga itim na duwende ay nagdadala ng swerte, habang ang mga puting duwende ay mapaglaro. Ang mga pulang duwende naman ay sinasabing pinakamatapang at delikado. Ang mga berdeng duwende ay mahilig makipaglaro sa bata, ngunit mailap.
May mga kwento rin tungkol sa mga duwendeng nagkakagusto sa tao, lalo na sa mga babae, at inaangkin sila. Mayroon din silang kakayahang iligaw ang mga tao sa gubat. Sinasabi ng matatanda na kailangang magpaalam kapag dumadaan sa kanilang tirahan upang hindi sila magalit. Kung sakaling saktan sila, gaganti rin sila.
Sa kabila ng iba’t ibang uri ng dwende at kanilang mga ugali, ang mahalaga ay ang pagrespeto sa kanila.

Glossary
Liblib
lib • líb | pang-uri
Malayo at mahirap abutin dahil sa pagiging nakatago o nasa malalim na bahagi ng lugar, kaya't hindi ito madaling mapuntahan.
Nakapanayam
na • ka • pa • na • yám | pang-uri
Ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-uusap at pagsagot sa mga katanungan mula sa isang tagapagtanong para sa layuning pang-impormasyon o pang-media.
Tuso
tu • so | pang-uri
Matalino at may kakayahang magplano o mag-isip nang mabilis sa mga sitwasyon upang makalamang at makamit ang nais na layunin.