Ang Pinagmulan ng
Lahing Kayumanggi

Ayon sa alamat, nakaramdam ng kalungkutan ang Diyos nang gawin niya ang mundo. Upang mawala ang kalungkutan, nagpasya siyang lumikha ng tao. Gumawa siya ng hurno at gumamit ng putik na may halong atswete upang maging kulay kayumanggi ang tao. Ngunit, ang unang pares ay naging mapula, sila ang naging mga Indian.

Muling sinubukan ng Diyos gamit naman ang katas ng luya, sila nama’y naging kulay dilaw, at sila ang mga Intsik at Hapones. Hindi tumigil ang Diyos hanggang sa makagawa siya ng taong kulay kayumanggi. Sa kanyang pagmamadali, nasunog ito at sila ang naging mga itim.

Sa ikaapat na pagtatangka, naging maputi ang mga tao, at sila ang naging mga Amerikano at Europeo. Sa huling pagtatangka, naging matagumpay ang Diyos sa paglikha ng taong kulay kayumanggi. Sila ang kanyang pinakamamahal, at sila ang pinagmulan ng mga Pilipino, na naninirahan sa pulo ng Pilipinas.

Glossary

Hurno

hurnó | pangngalan
Isang kagamitan sa pagluluto na may saradong espasyo, ginagamit sa pagbe-bake, roasting, at iba pang paraan gamit ang mataas na temperatura.

Kipil

ki • píl | pangngalan
Kanin na hindi naubos at itinabi mula sa nakaraang kainan, na maaaring initin at kainin muli sa ibang pagkakataon.

Tinanuran

ti • na • nu • ran | pang-uri
Lugar o bagay na binabantayan at pinoprotektahan upang hindi mapasok o magalaw ng hindi awtorisadong tao

Tutugot

tu • tú • got | pandiwa
Huminto o itigil ang anumang kilos, gawain, o proseso na kasalukuyang ginagawa.

Scroll to Top