Alamat ng Unang Bahaghari

Noong unang panahon sa Saranggani ay may mag-asawang hindi biniyayaan magkaroon ng anak na kahit ano pang halamang gamot ang kanilang subukan ay hindi ito gumagana. Sila’y nagpasya na humingi ng tulong sa Diyos. Nakipagkita sila kay Walian para sa kanilang hiling; narinig ang kanilang dasal, at nagbuntis ang babae. Isinilang nila si Blunto, isang magandang dalaga na masipag at mahilig sa bulaklak.

Isang gabi, nakita ni Blunto ang isang makisig na binata na nakasakay sa puting kabayo na lumilipad sa alapaap. Kinabukasan, nagpakilala ang binata at sinabing anak siya ng Haring Araw at Reynang Buwan. Sinabi niyang ipinadala siya upang ipasabi kay Blunto na ang kanyang mga dasal ng pasasalamat ang dahilan kung bakit namumulaklak ang kanyang mga halaman. Ipinagtapat din niya ang kanyang pag-ibig sa dalaga.

Matagal naghintay ang binata bago sagutin ni Blunto ang kanyang pag-ibig. Nang maging sila, sinabi ng binata na dadalhin niya si Blunto sa kanilang kaharian sa kaitaasan. Ngunit tumutol ang mga magulang ni Blunto, at ikinulong ang dalaga. Dahil sa kalungkutan, nagkasakit si Blunto. Sa huli, pumayag ang mga magulang na iuwi ng binata si Blunto, ngunit kailangan muna silang magpakasal sa lupa.

Matapos ang kanilang kasal, nagpaalam ang mag-asawa at lumipad patungo sa kaharian ng Araw at Buwan. Bago umalis, sinabi ni Blunto sa kanyang mga magulang na kapag sila ay nalulungkot, tumingin sila sa kalangitan at makikita nila ang mga bulaklak na kanyang itinanim, na lumilikha ng makulay na bahaghari. Mula noon, tuwing malungkot ang mga magulang ni Blunto, tinitingnan nila ang bahaghari sa langit.

Glossary

Sapantaha

sa • pan • ta • hà | pangngalan
Isang ideya o palagay na nabuo sa isipan nang walang katiyakan o sapat na ebidensya, hula o pag-iisip ng maaaring kalabasan sa hindi pa tiyak na sitwasyon.

Sumangguni

su • mang • gunì | pandiwa
Humingi ng payo, gabay, o impormasyon sa isang taong may kaalaman, libro, o dokumento.

Supling

sup • líng | pangngalan
Anak o mga anak ng tao o hayop

Scroll to Top