Alamat ng Makahiya
Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at may kaisa-isang anak na si Maria, siya’y mabait at masunurin, ngunit labis na mahiyain. Dahil dito, madalas siyang nagkukulong sa kanyang silid upang makaiwas sa pakikipag-usap sa ibang tao. Mayroon siyang isang hardin ng mga magagandang bulaklak, na kilalang-kilala sa kanilang bayan.
Isang araw, sinalakay ng mga bandido ang kanilang bayan. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago siya ng kanyang mga magulang sa bunton ng mga halaman at ipinagdasal na siya’y iligtas ng Diyos. Nagtago si Aling Iska sa loob ng bahay, habang si Mang Dondong ay handang harapin ang mga bandido. Sa pagdating ng mga bandido, walang nagawa si Mang Dondong nang siya ay pukpukin sa ulo. Sinubukan ni Aling Iska na tumakas, ngunit siya rin ay napuruhan at nawalan ng malay. Hinalughog ng mga bandido ang bahay at ninakaw ang kanilang mga kayamanan. Hinanap nila si Maria, ngunit hindi nila ito natagpuan.
Nang magkamalay ang mag-asawa, hinanap nila si Maria sa hardin. Doon, nakita nila ang isang kakaibang halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon. Napagtanto nila na ang halaman ay si Maria, na ginawang halaman ng Diyos upang iligtas siya sa mga bandido. Umiyak si Aling Iska, at bawat patak ng kanyang luha ay naging maliliit na rosas na bulaklak. Mula noon, inalagaan nila ang halaman at tinawag itong “Makahiya,” bilang alaala sa katangian ni Maria.
Glossary
Bandido
ban • di • do | pangngalan
Isang tao na kilala sa pagnanakaw at paglabag sa batas, gumagamit ng dahas o pananakot, lalo na sa mga liblib na lugar.
Bunton
bun • tón | pangngalan
Isang pagtitipon o tumpok ng mga bagay na inipon sa iisang lugar, na bumubuo ng dami o pangkat.
Hinalughog
hi • na • lug • hóg | pandiwa
Sinaliksik nang mabuti, kinapkapan o ginalugad.
Napagtanto
na • pag • tan • tó | pandiwa
Tumutukoy sa pagkakaalam ng mga nagawang pasya at pagkilos na sa bandang huli ay may ibubungang problema o may ibubungang kaaya-aya.
Samsamin
sam • sa • mín | pandiwa
Kumpiskahin o kunin nang sapilitan