Sina Aling Rosa at ang kanyang anak na si Pinang ay mag-inang nakatira sa isang malayo at tahimik na lugar. Dahil sa labis na pagmamahal, lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ni Aling Rosa na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging may dahilan si Pinang para hindi gawin ang mga ito. 

Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa at hindi na niya kayang gumawa ng mga gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw, ngunit dahil sa paglalaro, nasunog ang lugaw. Kahit na nasunog ang lugaw, pinagpasensiyahan pa rin ito ni Aling Rosa. Habang tumatagal ang sakit ng ina, napilitan si Pinang na gumawa ng mga gawaing bahay. Ngunit sa tuwing gagawa siya, lagi siyang nagtatanong sa ina kung nasaan ang mga kagamitan. Dahil sa inis, nasabi ni Aling Rosa na sana magkaroon si Pinang ng maraming mata para makita niya ang lahat ng bagay.

Umalis si Pinang para hanapin ang sandok, at hindi na siya bumalik. Nabahala si Aling Rosa at hinanap ang kaniyang anak, ngunit hindi niya ito natagpuan. Paglipas ng ilang araw, nakakita si Aling Rosa ng isang kakaibang halaman sa kaniyang bakuran. Nang magbunga ito, nakita niya na ang bunga ay hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng maraming mata. Naalala niya ang kaniyang sinabi kay Pinang, at labis siyang nagsisi. Inalagaan niya ang halaman at tinawag itong “Pinang,” na kalaunan ay naging “Pinya.”

Glossary

Layaw

la • yaw | pangngalan
Labis na pagbibigay ng kagustuhan.

Tumalab

tu • ma • láb | pandiwa
Magkaroon ng bisa, epekto, o makapagdulot ng pagbabago sa kalagayan, kondisyon, o sitwasyon

Scroll to Top